Bakit sa Pilipinas?
Ang Pilipinas ay binubuo ng higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Matatagpuan ito sa rehiyong tropikal ng daigdig sa may kanluran ng Karagatang Pasipiko. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas. Bakit nga ba sa Pilipinas?
Ang bansang ito ay napapaligiran ng katubigan kaya naman dina nakakapagtaka na ito ay napakaraming mga tourist spot na maari mong puntahan:
Boracay
Ay isang pasyalan sa Pilipinas na sikat sa Bughaw na dagat at puting buhangin. Isa ito ang pinakasikat na pasyalan sa pilipinas. Isa din itong tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas sa Pilipinas.
Ang bunganga ng kuweba na may ilog sa loob ay nakaharap sa South China sea. Tinatayang ang haba sa loob ng pambihirang kuweba ay umaabot sa 8.2 kilometro na maaari lamang lakbayin sa pamamagitan ng bangka.
Sa loob ng kuweba ay makikita ang iba’t-ibang hugis ng bato na nililok sa pamamagitan ng patak ng tubig sa nakalipas na daan-libung taon. Pinapaniwalaan na ang Zoology professor na si Dean C. Worcester sa University of Michigan, ang unang dayuhan na nakapansin sa underground river ng Palawan batay sa naisulat nito noong 1887.
TEKA WAIT! pagod kana ba gumala? Sa Pilipinas mayroon ding mga maaring mong puntahan para mag relax, mga kainan at iba pa.
Lechon
Ang lechon ay putaheng karne ng baboy sa iba’t-ibang panig ng mundo lalo na sa mga bansang dating sinakop ng Espanya. Ang salitang “lechon” ay galing sa salitang Kastila na leche (gatas). Kaya ang lechon ay nangangahulugan ng inihaw na inahing baboy. Ang lechon ay sikat na putahe sa Pilipinas at pangkaraniwang inihahain kapag may kapistahan.
Street Foods
Tawag sa mga pagkaing nabibili sa kalsada o iba pang pampublikong lugar tulad ng palengke.
Pasalubong
Ang pasalubong ay isang alaala o “souvenir” na ibinigay ng bagong dating na galing sa paglalakbay sa ibang pook o bansa.
No comments:
Post a Comment